Blackpink’s Lisa wins big time at MTV Video Music Awards

WAGI ang BLACKPINK member na si Lisa sa katatapos lamang na 2022 MTV Video Music Awards.

Tinanghal si Lisa bilang Best K-Pop Video para sa kanyang solo single na “Lalisa”.

Si Lisa ang kauna-unahang female K-pop artist at K-pop soloist ang nakapag-uwi ng nasabing parangal na ginanap Agosto 28 (Agosto 29 PH time) sa Prudential Center sa Newark, New Jersey.

Ikinatuwa rin ng kanyang mga kasama sa Blackpink na sina Jisoo, Jennie and Rosé ang pagkapanalo ni Lisa.

Sa kanyang speech, nagpasalamat si Lisa sa “wonderful honor” na ibinigay sa kanya ng MTV at ang mga collaborators sa kanyang solo project, kabilang na si 24, Teddy Park at Bekuh Boom.

Siyempre, hindi rin natapos ang kanyang speech without thanking the Blinks, ang fans ng Blackpink.