Season 2 ng popular na Korean series na Squid Game may green light na

INIHAYAG ngayong Lunes ng international streaming service and production company na Netflix ang pagbabalik ng hit Korean series na Squid Game.

“Red light… GREEN LIGHT! Squid Game Season 2 is officially coming to Netflix!” sabi ng Netflix sa Facebook page nito.

Nagbigay rin ng mensahe ang Squid Game writer, director, producer, at creator na si Hwang Dong-Hyuk sa mga sumusubaybay sa sikat na series at konting pasilip sa season 2.

Naging global hit ang season 1 ng Squid Game, kung saan naging numero uno ito maging sa Pilipinas.

Nagwagi rin ng iba’t ibang uri ng parangal ang pangunahing aktor at aktres ng serye na sina Lee Jung Jae at Jung Ho Yeon sa 28th Screen Actors Guild sa California bilang para sa Outstanding Performance by an Actor in a Drama Series in the male and female divisions.

Sila ang kauna-unahang mga Asyano at Korean actors na nanalo sa SAG para sa drama series.