Pasahero ng MRT3 arestado dahil sa bomb joke

ARESTADO ang isang pasahero ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3) matapos na mag-bomb joke habang nakapila sa inspeksyon ng mga bagahe sa Shaw Boulevard station sa Mandaluyong.

Sinabi ng pamunuan ng MRT-3 na nangyari ang insidente alas-7 ng gabi nitong Miyerkules.

Dinala ang pasahero sa Wack Wack Police Station, Substation 3 alas-9 ng gabi.

Ayon sa MRT-3, nakadetine ang lalaki sa Eastern Police District, Mandaluyong City Police Station Headquarters Detention Cell kung saan siya nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1727 o “Anti-Bomb Joke Law.”