Presyo ng baboy tumaas

TUMAAS ang presyo ng baboy hanggang P420 kada kilo sa mga pamilihan sa Metro Manila.

Ayon sa monitoring ng Department of Agriculture, umabot sa P420 ang kada kilo ng liempo ngayong Huwebes (Mar. 23), habang naglalaro naman sa P270 hanggang P340 kada kilo ang presyo ng kasim.

Samatala, mula P330 hanggang P420 ang namonitor na presyo ng liempo, mas mataas sa P320 hanggang P390 kada kilo na namonitor noong isang linggo.

Sinabi ng DA na inaalam na nito kung ang pagtaas ay dahil na rin sa pagdami ng mga kaso ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.