P1M cash gift naghihintay sa Pinoy na aabot sa edad na 101

LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na nagsusulong na pagkalooban ng P1 milyong cash gift ang mga Pinoy na aabot sa edad na 101.

Sa ilaim ng House Bill 7535, tatanggap ng P25,000 ang mga Pinoy na aabot sa edad na 80, 85, 90 at 95.

Sa kasalukuyan, binibigyan ng P100,000 cash gift ang mga centenarian o mga Pilipino na nakaabot sa edad na 100.