Milwaukee Bucks 2021 NBA champion

Sa kauna-unahang pagkakataon, nag-kampeonato ang Milwaukee Bucks, simula nang sumali ito sa NBA noong 1971.

Naipanalo ng Milwaukee Bucks ang 2021 NBA championship kontra Phoenix Suns, Miyerkules ng umaga (Manila time) sa iskor na 105-98 sa Game 6 ng Best of 7 series.

Pinangunahan ng Greek player na si Giannis Antetokounmpo na nakapagbitbit ng 50 scores.

Ito ang kauna-unahang kampeonato ng Bucks simula nang sumali ito sa NBA noong 1971.