Bangka tumaob sa Antique, 8 nasagip

WALONG tripulante ang nailigtas matapos tumaob ang motor banca na kanilang sinasakyan sa karagatan ng Semirara, Antique.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard, tumaob ang MV Roxanne L dulot ng malakas ng hangin, ulan at malalaking alon dala ng habagat na pinalakas pa ng bagyong Fabian, habang patungo sa Semirara.

Kaagad namang rumesponde ang mga awtoridad at nailigtas ang walong sakay ng bangka.