Mark Herras never pumatol sa bading

MARAMING mga beki ang nag-message sa aktor na si Mark Herras nang mabalitaan na nanghihiram siya ng P30,000 sa dating manager na si Lolit Solis.


Sa interview ni Ogie Diaz, sinabi ni Mark na sa dami ng nag-message sa kanya noon na mga gays ay wala siyang nireplayan kahit isa.


Kahit ngayon na may asawa’t anak na siya ay hindi pa rin tumitigil ang offers mula sa mga fans niyang beki.


“Hindi ko sila nirereplayan…‘Yung mga nagdi-DM sa akin, hindi ko naman sinasabing binabastos nila ako or what, hindi ko na lang sila nirereplayan,” chika ni Mark.


“Hindi pa naman ako umaabot sa ganoon na kailangan kong replayan ‘yung mga taong ‘yun para magkapera. Hindi pa naman ako umabot sa ganoong point sa buhay ko at hindi ko rin naman aabutin ‘yun, nakakahiya rin sa magulang ko,” dagdag niya.


“Yung iba gustong tumulong talaga, ‘yung iba gustong tumulong pero tulungan mo rin sila. Hahahaha! Laya na nila ‘yun, okay pa naman ako. May ibang trabaho pa naman akong puwedeng gawin,” wika pa ng aktor.