Kathryn pinagbawalan ni Daniel na itambal muli kay Alden?

KAHIT naging blockbuster ang pelikulang “Hello, Love, Goodbye” noong 2019 ay hindi agad nagkaroon ng follow-up movie ang mga bida rito na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards.


Ang dahilan? Ipinagbawal umano ni Daniel Padilla na itambal muli ang girlfriend niya noon na si Kathryn sa Kapuso actor.


Ayon sa Bandera columnist na si Regee Bonoan, may gagawin sanang pelikula sina Kathryn at Alden noong 2021 pero hindi natuloy dahil ayaw umano ni DJ.


“Nu’ng kumita ang HLG (2019) may follow-up agad sana at naka-set na kaso nagkaroon ng pandemya kaya 2021 dapat sinimulan, e, umarya ang lolo Daniel mo at binawalan si Kathryn na ‘wag gawin kaya hindi natuloy,” ani Regee base sa impormasyon mula sa kanyang source.


Pero dahil hiwalay na ngayon sina Kath at Daniel ay “itutuloy na” ang pelikula.


“Wala nang bawal-bawal kay Kathryn ngayon, gagawin niya ang alam niyang makagaganda sa career niya at saka kaibigan niya si Alden noon pa,” dagdag ng source ni Regee.


Ipinaalala pa ng Bandera columnist na inatake ng selos si Daniel noong sinu-shoot ang “HLG” sa Hong Kong kaya lumipad ito doon para bisitahin si Kathryn.


Samantala, isiniwalat din ni Regee na walang magaganap na “KathDen” sa totoong buhay “dahil may ibang gusto raw ang aktres na hindi naman binanggit kung sino.”