Marcos resign panawagan ni Davao City Mayor Baste Duterte

PINAGBIBITIW sa pwesto ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte si Pangulong Bongbong Marcos.

Ito anya ay kung walang pagmamahal at aspirasyon para sa mga tao ang pangulo, ayon kay Duterte sa isinagawang Hakbang ng Maisug Leaders Forum sa Davao City, na isinabay sa kickoff rally ng Bagong Pilipinas sa Quirino Grandstand nitong Linggo.

Isinagawa ang pagtitipon bilang protesta sa isinusulong na Charter change gamit ang People’s Initiative.

“Mr. President, if wala kay gugma ug aspirations sa imohang nasod, resign,” (Mr. President kung wala kapng pagmamahal at aspirasyon para sa bansa, magbitiw ka na),” anya.

Dagdag pa nito, wala umanong ginagawa si Marcos sa mga nagaganap na pagkakawatak-watak sa kanyang administrasyon.