Maris inayang magwalwal ang ‘ina’

KUNG tig-P16,000 halaga ng tequila ang tinatagay ni Kathryn Bernardo, tig-P60 na bote ng flavored beer naman ang winawalwal ni Maris Racal.

In-update ni Maris ang kanyang mga Instagram followers sa kasalukuyang ganap ng kanyang buhay sa pamamagitan ng mga pagpo-post ng pics na may hawak na beer habang naka-awra.

Ang caption ni Maris: “Pabili po ng San Miguel flavor beer.”

“Mother approved,” komento naman ni Agot Isidro, na gumaganap na ina niya sa teleserye na “Can’t Buy Me Love.”

“Lets 🍻 mommm!!!!” reply ni Maris.