Lolo isinoli napulot na P40K sa NAIA

SINALUDUHAN ng publiko ang isang senior citizen na ibinalik sa may-ari ang napulot niyang P400,000 sa parking area sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 noong isang linggo.

Ayon kay Fernando Cua, pasakay na siya ng sasakyan makaraang ihatid ang apo sa airport nang mapansin ang paperbag sa sahig.

Agad niya itong pinulot at laking-gulat nang makita na pera ang laman nito.

Ani Cua, naghintay sila ng ilang minuto sa pagbabakasakaling bumalik ang may-ari bago umuwi ng bahay sa San Juan.

Nakipagtulungan naman ang matanda sa airport police hanggang sa naibalik ang pera sa negosyanteng si Dominique Garcia.

Sinabi ni Garcia na hindi niya napansin na nalaglag ang paper bag na may laman na bayad ng kostumer sa gold-selling business ng kanilang pamilya.