P640.6M jackpot ng 6/49 Super Lotto natumbok na

ISANG swerteng mananaya ang nakatumbok ng winning combination na 26-33-14-48-06-42 ng 6/49 Super Lotto na binola Martes ng gabi, Enero 16, 2024.

Tumataginting na P640,654,817.60 ang jackpot prize na iuuwi ng lucky winner.

Ayon kay PCSO General Manager Melquiades Robles umabot sa 170 milyon ang tumaya para sa nasabing bola.

Maaring kunin ng jackpot winner ang kanyang panalo sa PCSO main office. Kailangan ipakita ang winning ticket at dalawang valid ID.