Lalaki nalunod sa birthday ng apo

IMBES na magsaya ay nagluluksa ang isang pamilya makaraang malunod ang lolo ng isang bata na nagdiriwang ng kanyang kaarawan sa Naic, Cavite.


Ayon sa ulat, nagtungo ang pamilya ni Marticio Valdez, 63, residente ng Naic, sa isang resort sa Brgy. Sahud Ulan para doon i-celebrate ang kaarawan ng apo.


Matapos makipag-inuman ang matanda ay nagpaalam ito na magsu-swimming pero hindi na bumalik.


Natagpuan ang matanda na walang malay na nakahandusay sa buhangin.


Dead on arrival sa pagamutan ang biktima.


Isasailalim sa autopsy ang bangkay upang madetermina ang ikinamatay nito.