First Lady Liza: My kids, mabait…walang binugbog, walang tattoo

PROUD si First Lady Liza Araneta Marcos sa mga anak nila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil walang binugbog ang mga ito at wala ring mga tattoo.

Sa interview ni Anthony Taberna, sinabi ni Araneta-Marcos na mababait ang mga anak niyang sina Sandro, Simon at Vincent.

“My kids, mabait naman. Wala pa akong naririnig na may binugbog sila, or may tattoo sila,” ayon sa Unang Ginang.

“Lahat sila nagtatrabaho. They are very respectful,” dagdag niya.

Bukod kay Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, wala na sa kanyang mga anak ang may hilig sa politika.

“Si Simon is a businessman, Si [Vincent], wala rin, wala silang hilig [sa politika]. They’re like me, wala silang hilig… My God, imagine, if we have three politicians in the house, mamamatay ako,” wika ni Liza.