Danica kalmado; asawa di raw magagawang magloko

KALMADO at unbothered si Danica Sotto-Pingris sa mga chika ukol sa umano’y relasyon ng asawa niyang si Marc Pingris sa aktres na si Kim Rodriguez.

Nagsimula ang tsismis nang mapansin ng netizens ang mga larawan nina Marc at Kim na kuha sa parehong lugar sa Sydney, Australia.

Idagdag pa rito ang screenshot ng mga  Facebook photos ng dalawa na nakikipag-selfie sa fans sa parehong lokasyon noong 2023.

“Marc Pingris and Kim Rodriguez spotted in the same places. Are these edited photos or merely a coincidence?” sey ng netizen sa X/Twitter post.

Samantala, ipinagtanggol naman ng isang kaibigan ni Danica si Marc sa mga nagkakalat ng tsismis.

“Ay nako. He won’t do that. Maraming priorities si Marc,” ani Pebble Duque sa Facebook post.

“They have a beautiful family.”

Paliwanag ni Duque, ang mga larawan ni Marc ay kuha pa noong February habang shinare ni Kim ang mga photos niya ilang araw lang ang nakararaan.

“My bestfriend Danica and him have a very beautiful family. Holy week na, dasal na lang po tayo para naman mabawasan yung mga kasalanan natin,” ani Duque.

Agad namang nagkomento si Danica sa post ng kaibigan. “Kalma miga! We love you,” sambit ng anak ni Vic Sotto at Dina Bonnevie.

“Buti ka pa, kalma!” sagot ni Duque. Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang komento sina Marc at Kim ukol sa chika. Ikinasal sina Marc at Danica noong 2007 at mayroong tatlong anak.