Comelec hindi na magpapatupad ng extension ng voter registration

PINAALALAHANAN ng Commission on Elections (Comelec) ang publiko na hindi na magsasagawa pa ng extension para sa voter’s registration kaya dapat nang samantalahin ang ongoing na pagpapalista na magtatatapos sa Enero 30.

Sinabi ni Comelec Commissioner George Erwin Garcia na “unlikely” na magpatupad sila ng extension sa registration.

“Huwag po kayong aasa sa mga sabi-sabi na ie-extend ng Comelec. Paano kung hindi namin i-extend ‘yung registration? Magkakaroon kayo ng dahilan upang ihalal o hindi [ang isang kandidato] kung kayo ay rehistradong botante,” ayon kay Garcia.

Inilabas niya ang paalala sa pagpapatuloy ng poll body ang pagpaparehistro nitong Enero 3, pagkatapos ng holiday break.