McCoy hindi na nakikita ang anak: ‘Miss ma miss na kita sobra’

MAY mensahe sa anak ang aktor na si Mccoy De Leon sa gitna ng mga usap-usapang hiwalay na sila ng partner na si Elisse Joson.

“Lagi mong tatandaan na mahal kita.
“IKAW lang ang nakaka alam
IKAW lang ang makakaintindi sa akin
IKAW lang ang maasahan ko
IKAW lang ang rason kaya ako nabubuhay
IKAW lang ang lahat lahat ko

“Sana pag tanda mo wag magbago tingin kay daddy ha pasensya na kung hindi lang talaga nakaya ni daddy. Sana maikwento ko sayo pagtanda mo. Don’t worry masasaya naman ikkwento ko na may konting problema hehe para naman maintindihan mo si daddy,” ani Mccoy.

Nag-sorry din siya sa pag-post ng kanyang mensahe sa kanyang anak sa Instagram dahil hindi na niya alam kung paano kakausapin ang kanyang anak.

“Basta ha lagi kang nasa isip ni daddy pasensya na rin kung dito ko nailagay message ko hindi ko na alam paano kita makakausap eh. Wag bibigyan ng sakit sa ulo si mommy ha i-love mo siya. Last na….anak wag mo silang pansinin ok? Mahal na mahal kita anak ko. Miss na miss na kita sobra….*hug na mahigpit*,” dagdag niya.