Cassy inamin relasyon kay Darren

NILINAW ng TV personality na si Cassy Legaspi na best friends lang sila ng singer na si Darren Espanto.


Kinumpirma ni Cassy ang “real score” sa kanila ni Darren sa panayam ng “Unang Balita” nitong Biyernes.


“It’s so hard to explain what we have, pero best friends talaga kami,” ayon sa unica hija nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi.


Ginawa ni Cassy ang pahayag makaraang mag-trending ang mga cryptic post niya sa Instagram na pinaniniwalaan ay mga patama kay Darren kasunod ng pahayag ng singer na single ito sa kasalukuyan.