Gerald nag-react sa chikahan nina Bea, Julia

ISA si Gerald Anderson sa mga natuwa sa pagkikita ng girlfriend niyang si Julia Barretto at ex niyang si Bea Alonzo kamakailan.


Sa isang panayam, sinabi ni Gerald na lahat ay pinagagaling ng panahon.


“Ganoon talaga, time heals talaga,” ayon sa aktor.


“Basta moving forward lahat,” dagdag niya.


Matatandaan na nakunan ng video sina Bea at Julia na nagbeso at nagtagayan ng alak nang magkita sa surprise tribute party para sa direktor na si Johnny Manahan o Mr. M noong nakaraang buwan.


Si Julia ang itinurong third party sa hiwalayan nina Bea at Gerald noong 2019.
Unang itinanggi ni Julia na may ugnayan sila ni Gerald pero umamin din ito makaraan ang dalawang taon.