Pinay, French patay sa loob ng tent; naglason o nilason?

INIIMBESTIGAHAN ng pulisya kung sadyang naglason o nilason ang isang Pinay at lalaking French natagpuang walang buhay Biyernes ng umaga sa loob ng tent na itinayo nila sa bakanteng lote sa Tagbilaran City, Bohol.


Natagpuan sa loob ng tent ang isang container ng muriatic acid at isang timba na may laman na umano’y hydrogen sulfide.


Kinilala ang mga biktima na sina Jennifer Cornelio, 30, ng San Fernando, Cebu at Sylvian Florian Delaitre, 39, isang French national.


Residente ang dalawa ng subdivision sa distrito ng Bool kung saan sila natagpuan.


Nadiskubre ang katawan ng mga biktima ng isang concerned citizen alas-7:20 ng umaga.


Naniniwala ang mga otoridad na pagkalason ang ikinamatay ng dalawa pero hindi pa madetermina kung paano sila namatay.


“We are still conducting investigation as to what really happened,” sabi ng pulisya.