409 Pinoy sa Sudan nailikas na sa border ng Egypt

NAILIKAS na 409 Pinoy mula sa Sudan at nakarating na sa hangganan ng Egypt sa harap ng ipinatutupad na tatlong araw na ceasefire sa nasabing bansa.

Nagsimula ang ceasefire nitong Martes.

Sinabi ng Palasyo na mula sa Khartoum, ang kapital ng Sudan, naglakbay ang 409 Pinoy sa pamamagitan ng Wadi Halfa Highway.

Nasa Cairo, Egypt sina Migrant Workers Secretary Secretary Susan Ople at Undersecretary Hans Leo Cacdac para pangasiwaan ang paglilikas sa mga OFWs na naiipit sa gulo sa Sudan.