Relief goods’ pa-birthday ni Whamos sa utol

NIREGALUHAN ni Whamos ng ilang lata ng sardinas at corned beef, noodles, mantika at bigas ang kapatid na nagdiwang ng birthday kamakailan.

Ayon kay Whamos, madalas umanong nililimas ni Awit ang mga grocery items niya kaya ang mga ito ang bagay na regalo para sa kapatid.

“Kumukuha siya ng mga grocery sa bahay…sardinas, bigas. Kaya ibabalik natin sa kanya ‘yan. Kaya ang ireregalo natin sa kanya ay bigas at marami pa!” ayon sa vlogger.

Inilagay ni Whamos sa isang malaking kahon ang mga groceries at bigas na binili lang niya sa grocery sa labas ng kanilang subdivision.

Nang makita ang kahon sa araw ng party ay napapalakpak sa tuwa si Awit.

“Ang bigat… mukhang mga sapatos yan, ang bigat e,” sabi ng utol.

“Pinaghirapan namin ‘yan, para sa ‘yo talaga ‘yan. Kaya kami natagalan para bilin ‘yan,, nagpunta pa kami ng mall” hirit naman ni Whamos.

“Talaga ba? Swear to God?”

“Oo, maniwala ka, magugustuhan mo ‘yan. Sure na sure ‘yon.”

Nang marinig iyon, napahalik si Awit sa kapatid.

Habang isinusulat ang balitang ito, wala pang reaksyon si Awit sa regalo ni Whamos dahil hindi pa nito ipino-post ang unboxing video.