Facebook, IG nagkaproblema; ‘buong mundo’ kinabahan

ISA ka rin ba sa biglang kinabahan at inakalang na-hack ang iyong Facebook at Instragram account?

Wag mag-alala dahil laksa-laksang subscriber ng Facebook at Instagram ang nadale ng global outage dahilan para sa biglaang pag-logout ng mga accounts nitong Martes.

Dahil dito, dinagsa ang Twitter ng samu’t saring reklamo at paghihinagpis dahil sa takot kung anong nangyari sa kani-kanilang mga account sa Facebook.

Nangyari ang biglaang pagsasara ng mga account alas-11 ng gabi sa Pilipinas.

May 300,000 ang nag-report hinggil sa sinasabing biglaang pag-logout ng kanilang account habang 40,000 naman sa IG, ayon sa ulat ng Inquirer.net.