‘Motivated 3X3’ ni Rendon aarangkada uli

IHAHANDOG muli sa publiko ng social media influencer at motivational speaker na si Rendon Labador ang kanyang “Motivated 3X3” basketball tournament ngayong April 2 sa Amoranto Arena sa Quezon City na dadaluhan ng mga celebrities, influencers, at vloggers.

Sa panayam ng Publiko kay Labador, layon ng “Motivated 3×3” na hikayatin ang mga kabataan na isama ang sports at kalusugan sa kanilang araw-araw na pamumuhay.

“Integrating sports into daily life is to foster a holistic approach to health,” ayon kay Labador.

“Sports provides a structured way to engage in physical activities, promoting cardiovascular fitness, muscular strength, and flexibility,” pahayag pa nito.

“This not only contributes to physical well-being but also helps manage stress, improves mental health, and builds a sense of discipline. It is also a sustainable way to enjoy the means of maintaining a healthy and balanced lifestyle,” dagdag niya.

Matatandaan na inilunsad ni Rendon ang “Motivated 3X3” sa Activate Hoop Arena noong January 30.