Marcos pinuri si Hidilyn sa kanyang world championship

PINURI ni Pangulong Bongbong Marcos si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz matapos manalo ng tatlong gold medal sa 2022 World Weightlifting Championships,

“Muli na namang nagpamalas ng natatanging galing ang kauna-unahan nating Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz sa kanyang pagkapanalo ng mga gintong medalya sa 2022 World Weightlifting Championships,” sabi ni Marcos. 

Idinagdag ni Marcos na kaisa siya sa pagbibigay pugay kay Hidilyn sa patuloy niyang pagsusumikap upang magsilbing inspirasyon sa maraming Pilipino, at makapag-uwi ng karangalan para sa ating bayan.