Jordan Clarkson pinangunahan Gilas sa panalo laban Saudi Arabia

PINANGUNAHAN ng NBA player na si Jordan Clarkson ang koponan ng Gilas Pilipinas sa laban nito sa Saudia Arabia, sa iskor na 84-46, Lunes ng gabi para sa Asian Qualifiers ng FIBA World Cup.

Nagtala si Clarkson ng 23 points, 6 assists at 5 rebounds, na nagdala sa Pilipinas sa rekord nito na 3-3 para makaungos sa Asian Qualifying round.

Bukod kay Clarkson, naging maganda rin ang performance ng local players, at maging si Kai Sotto na nakapag-ambag ng 16 points at 13 rebounds habang si Dwight Ramos ay nakasungkit ng siyam na puntos.