Ang Balita

(Kasabay ng paggunita ng National Press Freedom Day ngayong Agosto 30, hayaan ninyo na ang tulang ito ay maging gabay sa pagtukoy kung bakit patuloy na lumalaganap ang fake news.)

KINAKAILANGAN libog na libog ka't
kinakailangan ding mabilis kang labasan.
At kahit hindi naman hubo't hubad
hubaran mo na't gahasain
ang sa harap mo'y nakatambad.
Lahat ng posisyon ay gawin mo na
patuwad, patayo, padapa, pahiga
at kung maaari'y sixty-nine.
At matapos kang labasan,
walang awa kang tumalikod
at kayanin mo itong duraan.
Sa panggagahasa, kinakailangang
matibay ang iyong sikmura
dahil kinabukasan, para kang torerong mandirigma
hinahangaan sa panggagahasa mo ng balita.