Chinese shooter unang naka-ginto sa Tokyo Olympics

NAITALA ang kauna-unahang ginto sa Tokyo Olympics courtesy of Chinese shooter na si Yang Qian.

Naipanalo ni Yang ang unang ginto sa women’s 10m air rifle na nakapagtala ng Olympic record score na 251.8. Naungusan niya ang Russian na si Anastasiia Galashina na may iskor naman na 251.1 at Switzerland na si Nina Christen na may iskor na 230.6.