Xian may cryptic photo ng hubby ni Moira

VIRAL ang photo ni Jason Hernandez, asawa ng singer na si Moira, na ipinost ng Pambansang Marites na si Xian Gaza sa kanyang Facebook page.

Hindi nilagyan ni Xian ng caption at deskripsyon ang photo.

Makikita sa ibinahaging larawan ni Xian si Jason na may katabing lalaki sa eroplano.

Hindi kinilala ni Xian ang lalaki.

Mababasa naman sa sweater ni Jason ang salitang “Malaya.”