Digong umamin na maraming nararamdamang sakit

INAMIN ni Pangulong Duterte na lumalabas na ang kanyang mga sakit ngayon na papalapit na ang nakatakdang pagtatapos ng kanyang termino.

“Alam mo ang Diyos talaga marunong. Inilagay ako dito sa presidency maano pa ako. But of late, suddenly mga last year naglabasan na ‘yung — ,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati matapos parangalan ang mga atletang Pinoy na nanalo sa 31st Southeast Asian Games.

Idinagdag ni Duterte na dahil sa kanyang pagmomotorsiklo, ilang beses siyang sumemplang.

” Magsabi ka how many times? A dozen times. Pero mayroong bali-bali dito sa clavicle. Noon medyo naoperahan — hindi masyado pero ngayon lumalabas na. Tamang-tama talaga kasi kung another six years, hindi ko ma — even three years, hindi ko na kaya. So tamang-tama lang talaga ako pang-retire. Iyan lang ano ko,” dagdag ni Duterte.

Ginawa ni Duterte ang pahayag matapos naman ang alok sa kanya ni President-elect Bongbong Marcos na maging drug czar.