Xian Gaza: Trips abroad ni Dominic libre ni Bea

KUNG paniniwalaan ang social media personality at self-proclaimed Pambansang Marites ay hindi masisisi ng publiko si Bea Alonzo kung nakipag-break man ito sa fiance niyang si Dominic Roque at hindi na ituloy ang nakatakda sana nilang kasal.

Sa kanyang Facebook live nitong Miyerkules ng gabi, sinabi ni Xian na ang mga impormasyon kaugnay sa relasyong Bea-Dominic ay mula mismo sa mga celebrities na nakakakilala sa dalawa.

“Puro mga celebrities pa, artista ang nag-ispluk sa akin. So ngayon, bilang pinagsabihan nila, kinompile ko ang chika,” pambungad ni Xian.

Una, ayon sa source, ay ginagamit umano ni Dom si Bea. At dahil bilyonarya ang aktres, ito raw ang gumagastos sa kanilang mga international trips. Ikalawa, hindi rin daw third party ang dahilan ng breakup.

At kung magkakaroon nito, pahapyaw ni Xian, lalaki at hindi babae.

Kahit pa nilinaw na ni Boy Abunda na hindi isyu ang prenuptial agreement, sinabi ni Xian na totoo ngang si Dom ang nag-volunteer nito sa ina ni Bea pero noong magpipirmahan na raw ay biglang umurong ang lalaki.