Utol ni Jake Zyrus na-stroke; help naman–ina

HUMIHINGI ng tulong si Raquel Pempengco sa anak na si Jake Zyrus makaraang magkaroon ng mild stroke ang isa pang anak na si Carl noong Disyembre 9.

Ayon kay Raquel, alam na ni Jake ang nangyari sa kapatid pero hanggang isinusulat ang balitang ito ay wala pang tugon ang international singer.

“Sana, kahit ang kapatid na lang niya ang kanyang pansinin at kahit wala nang Pasko dahil sanay na ako na hindi kami kumpleto,” ani Raquel sa panayam ng PEP.

Sinabi ni Raquel na inatake si Carl habang nagmomotorsiklo.

Nadala ito sa isang ospital sa Muntinlupa. Sumailalim na sa CT scan at ECG si Carl, na hindi umano naigagalaw ang kaliwang bahagi ng katawan.

Noong nakaraang taon ay halos magkasunod na namatay ang lola at tiyo ni Jake pero hindi umuwi ng bansa ang US-based singer.

Matatandaang iniulat ng PUBLIKO na kasalukuyan ay nade-depress si Jake makaraang mabalitaan na may sakit ang idol niyang si Celine Dion.