Marcos hindi kinaya lamig sa Brussels, sinipon

SINIPON si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. habang nasa Brussels, Belgium bunsod ng sadyang mababang temperatura rito.

Naitala sa -3 degrees ang temperatura kay sinipon si Marcos dahilan para hindi makadalo sa kanyang nakatakdang press briefing Martes ng gabi (Miyerkules ng umaga sa Maynila).

Si House Speaker Martin Romualdez na lamang ang pinaharap sa media.

“He’s got a cold. Napaos lang yata siya. He has a cold,” ani Romualdez.

Nauna nang humingi ng paumanhin si Marcos sa kanyang namamaos na boses sa mga opisyal ng top European companies sa isang luncheon.