True ba? Jake Zyrus sa bar, pubhouse na lang kumakanta

KUNG paniniwalaan ang veteran show biz columnist at talk show host na si Cristy Fermin, sa mga malilit na bars at pubhouses sa US na lang kumakanta si Jake Zyrus.

Sa kanyang online talkshow na Showbiz Now Na, isiniwalat ni Cristy na ayon umano sa mga kaibigan niyang naninirahan sa US, hindi na sa mga arena at concert halls matatagpuan si Jake.

“Ang balita ng mga kababayan natin na ilang dekada nang naninirahan sa Amerika, si Charice (dating pangalan ni Jake) daw ay nagpe-perform sa maliliit na mga pub houses, bar,” ani Cristy.

“Kasi nga, wala naman talagang kumukuha sa kanya, ‘di ba?” dagdag niya.

Ayon kay Cristy, “sinayang” ni Jake ang mga nasimulan niya sa US entertainment industry.

“Inalagaan na siya ni nu’ng producer (na si David Foster Ang dami niyang nakaduwelo, pati kay Celine Dion, isinama pa siya. Sinayang ni Charice ‘yon,” ani Cristy na hindi naman ipinaliwanag kung ano ang ginawa ng trans male singer para mawala ang kasikatan nito.