Tiket sa MMFF movie ipinamimigay, may kasama pang softdrinks, popcorn

ISINIWALAT ng vlogger-talent manager na si Ogie Diaz na may isang pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival ang ipinamimigay na lang ang ticket sa isang mall sa Quezon City.

“Merong isang film fest entry, ipinamimigay lang ‘yung ticket sa mga gustong manood ng sine noong bandang alas-6 ng gabi noong Sunday sa Trinoma,” ani Ogie sa kanyang online talk show.

“Ayon sa chikahan sa group chat, 9 pm pa ang screening ng tickets na ipinamumudmod so they have to wait pa for more than two hours para sa screening,” dagdag niya.

May kasama pa umano na pa-softdrinks at pa-popcorn ang ticket.

“May letter M as in Mama sa title ng movie,” sey pa ni Ogie bilang clue sa pinatutungkulang pelikula.