Julius Babao nakiramay sa pagpanaw ng partner ni Andrew Schimmer

ang brodkaster-vlogger na si Julius Babao sa mga nakiramay sa pagpanaw ng partner ni Andrew Schimmer na si Jhoromy Rovero.

Sa Facebook, ibinahagi ni Julius ang mensahe para sa aktor.

“Kami po ay nakikiramay kay Andrew Schimmer at sa kanyang mga anak at sa pamilya Rovero sa pagpanaw ni Jorhomy.

“Grabe ang mga pagsubok na pinagdaanan ni Andrew para masigurong mabubuhay ang kanyang asawa subalit ipinagkait pa din ito sa kanya kung kailan papalapit na ang Pasko.”

“Ang alam ko lang si Andrew ay isang mabuting halimbawa ng asawa, isang matapang na nilalang na hindi susuko sa ano mang pagsubok sa buhay,” pahayag ng brodkaster.

Idinagdag ni Julius na bago sumakabilang-buhay si Jorhomy ay napakiusapan siya ni Andrew na maging ninong sa kasal nila ni Jorhomy.

“Ako ay nalulungkot dahil hindi na ito nangyari. Gayunman, tinatanggap pa din naming maging ninong ng kanilang abot langit na pag-iibigan hindi man ito nauwi sa simbahan,” aniya.

“Ang mahalaga sa mata ng Diyos at ng tao, wagas ang pagmamahalan nilang dalawa. Isang kwento ng pag-ibig na pag-uusapan sa mga daraan pang mga panahon,” sambit pa ng brodkaster.

Pumanaw noong December 20 si Jorhomy makaraan ang mahigit isang taon na pagkaka-confine sa ospital dahil sa brain hypoxia.