Dennis Padilla umaasang makakabati si Marjorie Barretto

NAIS ng komedyanteng si Dennis Padilla na magkaayos na sila ng dati niyang misis na si Marjorie Barretto.

Sa isang panayam, sinabi ni Dennis na masyado nang mahaba ang panahon na hindi sila nagkakapatawaran ng ina ng kanyang mga anak na sina Julia, Claudia at Leon.

“Siguro kailangan namin ng broker. Senior na ako, 50 na rin siya. Ang bilis ng buhay, ‘yung ibang kasabay nga namin patay na,” aniya.

Umaasa naman ang komendyante na magaganap ang kanilang pagbabati ni Marjorie sa mga susunod na araw.

“Pag tumatanda ka, parang nagse-settle ‘yung nararamdaman mo,” paliwanag niya kaya dasal niya ay magkaroon na ng healing sa kani-kanilang panig.

Ayon pa kay Dennis, hindi agad siya nakapag-reach out kay Marjorie ay dahil nakatutok siya sa mga bata.

“Yung nag-seperate ka sa partner mo, masakit ‘yun, pero ‘yung na-seperate ka sa mga anak mo, mas masakit ‘yun, especially nung maghiwalay kami ni Marjorie, Julia was only 10, Claudia was only 8, tapos Leon was 3 or 4. So talagang masyadong mga bata, sobra,” paliwanag niya.