Song ni Yeng para kay ‘ghoster’ Ryan Bang

INAMIN ni Kapamilya singer Yeng Constantino na tungkol sa panggo-ghost ni It’s Showtime host Ryan Bang ang kanta niyang B.A.B.A.Y.


Ito ang naging rebelasyon ni Yeng kasunod ng pag-amin ni Ryan na niligawan niya ang singer.


“May isang song na medyo pinaghugutan talaga ng mga pinagdaanan namin. Alam niyo ‘yung song ko na B.A.B.A.Y?”


“Pwede mo naman akong i-text. Pwede ka rin namang tumawag. Pwede mo rin naman ipasabi kay Manong Bogart. Pero bigla kang nawala, para kang bula — ayon, nawala, bigla kang nawala. Sana nagpasabi ka man lang. Hindi ganitong wala akong alam,” kinanta ni Yeng.


Nauna na niyang ni-reveal na bigla na lamang nawala si Ryan nang walang pasabi.


Nagpasalamat naman ang singer dahil pinaramdam ng host noon na espesyal siya.


“Salamat kasi doon sa short period of time na pinaramdam mo sa akin na special ako, importante ako, nung time na ‘yon sobrang nag-matter ‘yon sa akin and what I want us to take from this experience is ‘yung saya na naidulot natin sa isa’t isa ‘nung time na ‘yon,” chika ni Yeng. –A. Mae Rodriguez