Zambales inuga ng Magnitude 5.2 lindol

NIYANIG ng Magnitude 5.2 na lindol ang Zambales alas-8:17 ng umaga ngayong araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).


Naitala ang pagyanig, dagdag ng Phivolcs, na 74 kilometro mula sa Bajo De Masinloc at may lalim na 21 kilometro.


Naitala ang Intensity II sa Palauig, Zambales.


Idinagdag ng Phivolcs na inaasahan din ang mga aftershock dahil sa lindol. –WC