Taal nag-alburuto; residente lumikas

ILANG residente sa paligid ng Taal Volcano sa Batangas ang lumikas matapos muling mag-alburuto ang bulkan nitong Sabado ng gabi.


Nakapagtala ng walong mahihinang phreatomagmatic bursts sa crater ng Bulkang Taal simula alas-9:57 ng gabi.


Ayon sa Philippine Institute of Volcanolgy and Seismology (Phivolcs), tumagal ang mga ito nang 10 segundo hanggang dalawang minuto.


Umabot naman ang taas ng usok na ibinuga nito hanggang 900 metro. –WC