Show ni Jake sa US nilangaw?

KUNG paniniwalaan ang source ng vlogger-talent manager na si Ogie Diaz ay flop ang pinakahuling concert sa US ni Jake Zyrus.

Ayon kay Ogie, nasa 700 ang seating capacity ng venue pero wala pa sa 200 ang nanood.

“More or less 700 ang capacity, e parang wala pang 200 yata ang um-attend,” ani Ogie.

Base sa kuwento ng source niya, mas gusto ng mga fans si Charice Pempengco kesa kay Jake.

“Ang sabi ng iba na hindi nakapanood ng concert, intensyunal na hindi sila nanood kasi gusto raw nila ‘yung boses nung Charice Pempengco pa siya,” paliwanag niya.

Matatandaan na kamakailan naman ay ibinalita ni Cristy Fermin na humingi na ng tulong ang kampo ni Jake mula sa music producer na si David Foster dahil wala na umano siyang masyadong raket sa US.