Kakai sa basher: Mas maganda pa ako sa future mo

NIRESBAKAN ng komedyanang si Kakai Bautista ang netizen na sinabing mas bagay siya na gumanap na Rosmar Tan, ang kontrobersyal na businesswoman at TikToker, kesa kay Carla Abellana.

Sinagot ni Kakai ang netizen sa comment section ng Facebook post ng isang Lads Sorio na ipinost ang edited photo nina Carla Abellana, Rafael Rosell, at Geoff Eigenmann.

“Talambuhay ng controversial at trending CEO/social media personality na si Rosmar itatampok sa #MPK ‘Magpakailanman’ bida sina Kapuso Primetime Goddess Carla Abellana, Geoff Eigenmann and Rafael Rosell,” ani Lads sa kanyang post.

Isang netizen ang nagkomento na mas bagay si Cacai na gumanap na Rosmar dahil masyadong maganda si Carla.

“Masyadong maganda si Carla for Rosmar dapat si Cacai na lang,” ayon sa di-kinilalang