Sarah sa publiko: Waldas na!

NATUTUWA ang aktres na si Sarah Lahbati kapag inilalarawan siya bilang “Waldas Queen” ng publiko.

Sa interview ng PEP, sinabi ni Sarah na nang una niya itong marinig mula sa mga kaibigan ay nawindang siya pero kinalaunan ay natatawa na lang siya.

“I think it’s funny. Yeah, it’s just something I laugh about. I don’t usually read comments, but my friends started talking about it. They’re funny,” sey ng aktres.

Ang mga ganitong bagay, dagdag ng estranged wife ni Richard Gutierrez ay hindi naman dapat seryosohin.

“I don’t take anything seriously. That’s another secret to be happy. I don’t take anything seriously. If not, I will be going crazy. It’s just a funny, funny thing that’s been going around. I see it kind of everywhere now. To everyone who wants to waldas, go ahead,” paliwanag niya.

Nagsimulang tawaging “Waldas Queen” ng kanyang mga fans ang aktres makaraang magpakawala ng mga salita ang kanyang mother-in-law ukol sa hiwalayan nila ng anak nitong si Richard.

“Nakikita mo naman, hindi mo na kailangang magsalita pa. Nakikita mo na ‘yan. Si Richard trabaho nang trabaho, ‘yung isa nagwawaldas ng pera. Yun lang ang masasabi ko diyan,” sabi ni Annabelle.