Ray kay Zeinab: Salamat sa sakripisyo mo

MAY maiksi pero madamdamin na mensahe ang basketball player na si Ray Parks Jr. kay Zeinab Harake.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Ray ang ilang photos at videos niya at ng girlfriend sa Japan.

“Sa ngalan ng pag-ibig. Salamat sa sakripisyo mo Bel🖤,” caption ni Ray.

Kasalukuyan ay “long distance” ang relationship ng dalawa dahil naka-base si Ray sa Japan dahil naglalaro ito sa Nagoya Dolphin para sa Japan B. League habang nasa Pilipinas si Zeinab kasama ang kanilang mga anak na sina Bia, 2, at Lucas, 6.

Kamakailan ay binisita ni Zeinab si Ray sa Japan para makapiling ito.

Bago ito, huli silang nagkasama noong nakaraang holiday season.

Wala naman si Ray nang ipagdiwang ng aktres at social media star ang ika-24 nitong kaarawan noong December 11 dahil abala siya sa paglalaro.