Robin tinawanan lang pagpuna kay Mariel

TAWANG-tawa si Sen. Robin Padilla sa mga natanggap na batikos ng asawang si Mariel Padilla nang mag-gluta drip session ito sa kanyang tanggapan sa Senado.

Sa kanyang statement, humingi naman ng paumanhin ang senador sa mga nainsulto sa pagpo-post ni Mariel ng photo na may nakasaksak na IV drip sa braso.

“Kung may nakita po silang masama sa larawan paumanhin po no intention of disrespect,” aniya.

Gayunman, iginiit ng action star-turned-politician na natatawa siya sa reaksyon ng publiko.

“Nakakatawa naman po ang political issue na yan my goodness…Natatawa lang talaga ako,” pahayag niya.

Ipinagtanggol din niya ang ginawa ni Mariel at sinabing para sa kalusugan ito ng asawa.

“My wife loves to promote good health and good looks,” pagdidiin pa niya.