Puntod ni Jovit binisita ni Camille Ann

ISANG araw makaraang ihatid ang singer na si Jovit Baldivino sa kanyang huling hantungan ang dinalaw ng fiancee niyang si Camille Ann Miguel ang kanyang puntod.

Shinare ng dalaga sa Facebook ang mga larawan ng kanyang pagbisita sa puntod ng singer sa Paradise View Memorial Garden sa Padre Garcia, Batangas.

Inayos ni Camille ang mga bulaklak sa puntod, nagtirik ng mga kandila at nag-alay ng dasal para sa namayapang kasintahan.

Matatandaang inamin ni Camille na sa unang gabi na hindi niya kasama si Jovit sa bahay ay parang sasabog ang kanyang dibdib.

“Eto ‘yung unang araw na nakauwe ako sa bahay nang wala ka na sa tabi ko matulog sobrang hirap sasabog na ako sa sakit,” aniya.


Sinisi rin niya ang 2022 sa pagyao ni Jovit.

“Grabe ka 2022, napakalupet mo din. Nga ba naman kung sino pa ‘yung taong mabait. OA ka bumawi, napakaaga!” dagdag ni Camille.