GF ipinaskil mukha ni Jovit sa buong bahay: ‘Para kada lingon ko andun ka’

NILAGYAN ni Camille Ann Miguel ang bawat sulok ng kanilang bahay ng mga larawan ng namayapang boyfriend na si Jovit Baldivino.

Sa Facebook post, ibinahagi ni Camille sa publiko na nagpagawa siya ng ilang kopya ng portrait ni Jovit para ilagay sa mga gilid ng bahay para hindi niya ito ma-miss.

“Sobrang miss na kita kaya dinamihan ko para lalagay ko sa bawat gilid ng bahay para kada lingon ko andun ka,” aniya.

Idinagdag ni Camille na nagpa-print din siya ng mga stickers ng pangalan ng yumaong singer.

“Sticker mo naman para ilalagay ko sa sasakyan po naten love ko. Mahal na mahal po kita love Jovit Lasin Baldivino,” aniya.