Porke di nakihalubilo sa fans maarte na? May pandemya pa po–Sunshine

HINDI pinalagpas ni Sunshine Cruz ang komento ng isang residente ng Quezon City na tinawag siyang maarte dahil hindi siya nakihalubilo sa mga fans nang minsang mag-taping ito para sa teleserye ng GMA.

Sey ng netizen: “Hay nko ang arti nyan di nga namamansin,,,yan eh ang arti.”

“Di manlang nagpapasalamat sa mga barangay nong lumabas galing looban hahaa,” dagdag nito.

Sinagot naman ng aktres ang paratang at sinabing bawal ang mga negative comments sa kanyang Facebook page.

“On behalf of our production pasensya na… GMA is after the safety of everyone. Naka-bubble po ang taping. Meaning hindi po kami pwede makihalubilo sa iba gawa ng pandemia. Huwag na po mainit ang ulo. Hindi po yan maganda sa ating heart. Wag nyo i-flood ng negativity aking page,” sey ni Sunshine.

Ipinaliwanag din ni Sunshine na hindi masama ang ugali niya dahil lang hindi niya napagbigyan ang kagustuhan ng netizen.

“I will remember your face next time para mabati na kita Ate. Pasensya na po pero hindi ako maarte o masama ang ugali ng isang artista pareho ng sinasabi mo dahil hindi nagawa ang gusto mo. Intindihin nyo po na may protocols po kami sa taping. Bawal makihalubilo gawa ng naka bubble ang taping,” dagdag pa niya.