Pokwang kakasuhan nurse na nam-bully sa anak

NAKATAKDANG kasuhan ni Pokwang ang netizen na tinawag na pangit ang apat-na-taong-gulang na anak niyang si Malia.

Ani Pokwang, nakilala na niya ang basher, isang nurse, at sa mga susunod na araw ay sasampahan niya ito ng kaso sa National Bureau of Investigation.

Nag-ugat ito nang i-post ni Pokwang ang video ni Malia sa Instagram.

“I’m smart, I’m Malia, and I’m so beautiful, smart… I’m Malia,” ayon sa bata.

Isang netizen naman ang nagkomento at binully ang bagets.

“Habang lumalaki pumapanget gaya ng nanay… sana wag mamana ugali ng nanay na panget din,” ayon sa basher.

Agad naman itong pinagbantaan ng demanda ni Pokwang.

“Ok nurse ka pala? Noted this see (you) in court bullying innocent child ok,” aniya.

Humirit pa ang komedyana: “Ganon talaga aatakihin tayo ng mga palamunin na trolls nayan haha ayaw nila mag wagi ang katotohanan at kahit batang paslit idadamay waaaa pangit daw si Malia???? Haaa??e ano pa kaya itsura nila??? Bwahaha mga langib sa sugat ng bayan! o pang pelikula deba?? magandang title.”